MGA KAPARAANAN SA PAGPAPAUNLAD NG WIKA Ulat nina: Richard P. Solidthinking 2018. At Leah Farfaran MONOLINGGWALISMO Ang Pilipinas dahil isang bansang multilinggwal ay nahihirapang pasanin ang batas ng monolinggwalismo. Ang monolinggwalismo ay isang kaparaanan at pagbabagong penomenang pangwika na puspusang tinatalakay ng mga sosyolinggwistiks, sa madaling sabi layunin ng monolinggwalismo na ipatupad ang iisang wika sa isang bansa katulad ng mahigpit na paggamit ng Pransya ng Wikang French. Sa anumang talastasan kailangan ang isang wika na magiging tulay sa pakikipagtalastasan, wika ng komersyo, wika ng negosyo at wika sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa talumpati ni Senador Pimentel sa Senado noong Setyembre 5, 2007, tinalakay niya ang kahalagahan ng rehiyonal o iba pang mga wika sa bansa para sa isang matatag na republika. Ayon sa kanya mahalagang mapanatili ang mga wika sa iba’t ibang panig ng bansa upang mapasigla at mapalaganap ang ating sariling kultura.
Mga Bansang Nangunguna sa paggamit ng Monolinggwal Kapansin-pansin ang mabilis na pag-unlad ng mga bansang Hapon, South Korea at Pransya na mahigpit na ipinag-uutos ang sistemang monolinggwal sa kani-kanilang bansa. Ang iisang wika ay gagamiting panturo sa anumang larang (field) o asignatura dahilan upang mas lalong magkaunawaan ang bawat isa at makagagawa ng mas produktibong ani. Kung susuriin, mahigpit ang patakarang Monolinggwal kaya naman isang malaking hamon ito sa Pilipinas kung magkaganun.
Kung ekonomiya ang pagbabatayan ng mga bansang Monolinggwal ay walang dudang mauunlad at mayayaman ang mga ito. Sbornik tehnologicheskih kart recepteur blyud kulinarnih izdelij dlya shkoljnogo. Tumatagos kasi sa kanilang kurikulum ang mga patakarang-pangwika. Ang Patakarang Monolinggwal sa Edukasyon Recognising and responding to diversity is a key principle for quality education (UNESCO, 2008). Monolingual policy has a strong focus on improving quality and access of education for children disadvantaged by their ethnicity. This policy experienced that language of instruction acts as a major barrier to education for children who do not have access to the school language. In Bangladesh’s Chittagong Hill Tracts, for example, where indigenous children must learn in Bangla, the dropout rate is double the national average at 60%.
The World Bank estimates that half the children out of school globally do not have access to the language of school in their home lives, indicating the significance of language barriers in education (World Bank, 2005). Sa inilahad na pangyayari, nangangailangan ng isang matibay na pundasyon ng wika kung saan nagiging balakid ang wika sa paaralan upang matuto ang mga mag-aaral, sa mga unang taon ng pag-aaral kailangan nitong gamitin ang wikang pamilyar sa isang bata upang mas lalong mahikayat ang mag-aaral dahil alam nila ang wikang ginagamit sa pagtuturo. Ang edukasyong monolinggwal ay pinagtitibay na paigtingin ang gamit ng iisang wika sa anumang pagkatuto o asignatura dahil sa napakaraming patunay na pag-aaral na ang mga bata’y mas madaling matuto sa konsepto kung nasa unang wika kadalasang ituturo.
Ang Papel ng Wikang sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa BansaLydia B. Liwanag Introduksyon Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan ngayon ng mga pag-aaral at pananaliksik ang tungkol sa pagkakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika. Kaugnay ng mga pagpaplanong pangwika na isinasagawa sa mga bansa na multilinggwal ang mga tao, may mga isyung panglinggwistiko na kaugnay ng pagkakaroon ng varayti ng wika: paano nagkakaroon ng mga pangkat ng mga tao na may isang varayti ng wikang sinasalita? Kailan sila nagkakaroon ng karaniwang varayti ng wika?